Sunday, September 19, 2021
Home Editor's Picks LOOK: Young Pinay Engineer Wows India With Her Mandala Art

LOOK: Young Pinay Engineer Wows India With Her Mandala Art

Clients develop a renewed interest in and appreciation for their culture.

Every artist dreams of seeing not only a demand for their work but an appreciation for their creations by an international market.

Michelle Ramos Soliman is living that dream—for a loved one. But that is getting ahead of her story.

Based in Bangalore, India, the 24-year-old mechanical engineer is making waves for her mandala art. Sanskrit for “magic circle,” a mandala is a circle contained within a square and arranged into sections that are all organized around a single, central point. Mandalas are believed to represent different aspects of the universe. They are used as instruments of meditation and symbols of prayer in China, Japan, Tibet, and India.  

In the three years that she’s been creating mandalas, Michelle has sold over 80 works, a majority of them commissioned pieces.  

Natutunan ko ang pagmamandala sa internet, tulad ng Instagram, Google, at iba pa,” says Michelle, wife to Uday Kumar Gadasu and mother to their baby boy Advith Evandro Gadasu.

While Michelle’s mandalas have renewed her Indian clients’ interest in and appreciation for their culture, her painstaking, hypnotic patterns hold personal meaning for her too. Five years ago, her older brother passed away from a heart condition, and it was his dream to make a name for himself as an artist. Michelle believes she is an instrument to seeing that dream fulfilled. “Feeling ko nga po hindi ko ‘to kamay,” she tells My Pope Philippines.Kamay ‘to ng kuya ko. Sa kanya po talaga ‘to, lahat ng achievements ko.” Her mandalas have also helped finance a younger sibling’s education in the Philippines. (Read: Want A Feel-good IG Feed? Follow These 5 Local Artists On Instagram Right Now)

My Pope Philippines chats with Michelle about what she thinks about when she draws, why her works appeal to Indians, and her advice to starting artists.

this-24yo-pinay-engineer-is-making-waves-in-india-with-her-mandala-art
Photo from MidayMandalaArt Facebook

Prior to mandala art, were you already into art?

Bago ko po ma-discover ang pagmamandala, gumagawa na po ako dati ng mga crafts at DIY, at mahilig po ako gumawa ng mga party decorations. 

Sa course ko po may isang subject kaming engineering drawing. At doon natutunan ko ang pagguhit ng may quality at tamang guhit.

Why do you like mandala art?

Maraming klase ng mandala pero dito ako mas nagkaroon ng interest dahil mas nagkakaroon po ako ng focus sa bawat guhit at patterns na ginagawa at naiimbento ko. Dahil bawat design may maliliit na detalye. Sobrang nakakaaliw gumawa ng mandala pagka nasimulan mo paniguradong ipagpapatuloy mo dahil ang simbolo ng mandala para sa relihiyong nag imbento nito (Buddhist at Hindus). Ito ay isang universe, mundo kung saan sa bawat sulok na makikita natin may hugis bilog. (Read: A Prayer for Artists and Creatives Around the World)

It looks labor intensive. Don’t you get tired? What do you think about when you draw?

Bukod po sa nakakaaliw ang pagpipinta, ito po ay nakakatulong sa focus, consideration, at patience. Dahil ang isang buong mandala ay inaabot ng tatlong araw o higit pa.

Iniisip ko lagi habang nagpipinta na sana sa bawa’t obra na ginagawa ko makadagdag ako sa memories ng bawat taong nakakakita o nakakabili ng gawa ko. Tulad ng mga obra na ginawa ng kapatid kong pumanaw limang taon na nakakalipas.

Masakit man sa kamay at likod pero purgisido ako na madagdagan pa ang mga collection ko dahil pangarap ko na madisplay ang mga gawa ko sa mga top art galleries sa mundo tulad ng Pushkin State Museum sa Moscow at The Metropolitan Museum of Art sa New York City.

this-24yo-pinay-engineer-is-making-waves-in-india-with-her-mandala-art
Photos from MidayMandalaArt Facebook

How does your mandala art differ from others?

May sarili akong disenyo at patterns na ginagawa, kombinasyon ng mga kulay, at ang isa sa pinakakakaiba sa lahat, ang sentro ng obra ay pwede i-personalize.

At ang bawa’t obra ay may halong pagmamahal dahil ito ay isa sa nagbibigay ng inspirasyon at nagbubuhay sa pangarap ng kapatid kong pumanaw.

What do your Indian clients say about your mandala?

Lahat ng mga client ang lagi po nilang sinasabi ayBilang isang Pilipino, mas pinapalawig at binubuhay mo ang Indian culture kahit na isa kang dayuhan dito sa aming bansa.” Dahil sa mga lumipas na panahon minsan ang kultura ay nakakalimutan at dahil sa mandala binubuhay ito ‘di lang kultura kundi tradition. (Read: This Pinay Artist Says the Pandemic Reignited Her Love for Painting)

Ang mandala ay isang imahe na nakakatulong sa meditation. 

What advice would you give someone who wants to try mandala art?

this-24yo-pinay-engineer-is-making-waves-in-india-with-her-mandala-art
Photo from Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

Base po ito sa mga naranasan ko nung nag-uumpisa ako, ‘di lang ang pagmamandala pero sa lahat ng mga gumuguhit: Sa umpisa, ‘di lahat ng tao ay makaka-appreciate, minsan pupunahin ka pa pero ipagpatuloy mo lang lalo na kung may inspirasyon ka sa ginagawa mo.

‘Wag isipin ang bawat salita ng mga tao. Mas gawin itong inspirasyon dahil darating ang araw ang bawat pagpupursigi at dedikasyon mo may kahalagang premyo. Gawin ito para sa sarili mo at ‘wag para sa ibang  tao . Mas makakatulong magkaroon ng inspirasyon na ibang artist dahil ito ay isang malaking tulong para ma-enhance ang galing mo sa pagguguhit.

Most Recent

FOLLOW US!